La aventura el guerrer llegendari

El joc va anar sobre un guerrer que al principi no tenia res de poder, però, va entrenar molt durant 18 anys i es va convertir en uns del guerrers més forts. i va ajudar a la seva amiga Isabell de les mans del malvat Senyor fosc.

Edventure: KohesiQuest

Ang KohesiQuest ay isang laro na nagaganap sa loob ng isang gubat kung saan hahanapin ng mga manlalaro ang mga treasure chest na naglalaman ng mga tanong tungkol sa kohesyong gramatikal, partikular na ang tamang paggamit ng anapora at katapora. Sa bawat matagumpay na pagbubukas ng treasure chest, may lalabas na tanong na kailangang sagutin upang makakuha ng coins, na puwedeng ipunin at gamitin sa Market para bumili ng mga item o power-ups na makatutulong sa mga susunod na yugto ng laro.

EdVenture: DISYONaire

Ang DISYONaire ay isang larong naglalayong paunlarin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa maingat at makabuluhang pagpili ng mga salita sa loob ng pangungusap. Sa pamamagitan ng paggalugad sa palasyo at pagtuklas ng mga aklat na may iba’t ibang antas ng kahirapan, nahahamon ang manlalaro na magpakita ng kahusayan sa pasulat na pagpapahayag.

Edventure: eSTILLow

Ang eSTILLow ay isa sa mga bahagi ng Ed-Venture na layuning mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa angkop na paggamit ng estilo sa anyo ng isang sulatin gamit ang mga tanong na nakapaloob sa iba’t ibang mga kulay na halaman na makikita rito.

Alkala

Te despiertas despues de 100 años, no tienes recuerdos y tienes que salvar a Alkala de la garras de Ganon.

Edventure: TransiGo

Sa larong TransiGo!, ginagabayan ng mag-aaral ang kaniyang karakter sa loob ng isang maze na binubuo ng iba’t ibang daanan at tulay. Ang bawat tulay ay nagsisilbing hamon na nangangailangan ng pag-unawa at tamang paggamit ng transisyonal na salita. Upang makatawid at makapagpatuloy sa laro, kailangang sagutin ng mag-aaral ang mga katanungang may kaugnayan sa pag-uugnay ng mga ideya sa pangungusap at talata. Habang umuusad ang laro, unti-unting tumataas ang antas ng kahirapan ng mga tanong, na humahamon sa mag-aaral na mag-isip nang mas malalim at mas maingat sa pagpili ng angkop na sagot. Sa ganitong paraan, nagiging malinaw ang ugnayan ng kaalaman at aplikasyon sa aktwal na gawain sa pagsulat.